๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2025, ๐ฆ๐š๐ฌ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐š๐ ๐๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐‹๐ฎ๐ง๐ ๐ฌ๐จ๐ ๐ง๐  ๐“๐š๐ง๐š๐ฎ๐š๐ง!

Ngayong umaga, buong sigla at pagkakaisa na ipinagdiwang sa Lungsod ng Tanauan sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao at TCWCC President Atty Cristine Collantes katuwang ang City Health Office sa pangunguna ni Dra. Anna Dalawampu kasama si Konsehal Macky Leus Gonzales ang Nutrition Month 2025 na may pambansang tema: Food at Nutrition Security Maging Prioty! Sapat na Pagkain Karapatan Natin!
Sa pamamagitan ng 51st Nutrition Month Symposium kasama ang ating mga magigiting na Barangay Nutrition Scholars, Barangay Health Worker Leaders, Child Development Workers at Farmer Leaders sa mga Barangay, pinagtibay ang pambansang layunin na gawing pangunahing prayoridad ang food & nutrition security bilang isang karapatang pantao. Nagsilbing tagapagsalita rito sina NNC CALABARZON Ms. Kyla C. Guarda, RND at ang ating City Agriculturist Mr. Sherwin Rimas.
Taos puso namang nagpasalamat si Mayor Sonny sa aktibong pakikiisa ng mga dumalo at sa patuloy na pagsuporta ng bawat isa at kolektibong aksyon sa mga layunin at inisyatiba ng ating Lokal na Pamahalaan sa pagsulong ng isang malusog at matatag na komunidad.