2024 Tanauan City Top 10 Business and Real Property Taxpayers, binigyang-pagkilala ng Tanauan LGU!

2024 Tanauan City Top 10 Business and Real Property Taxpayers, binigyang-pagkilala ng Tanauan LGU!
Sa pag-unlad ng Lungsod ng Tanauan, kaakibat nito ang bukas na pakikipagtulungan sa bawat pribadong sektor – at bilang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Sonny Perez Collantes at Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao kasama ang Sangguniang Panlungsod, tagumpay na isinagawa ngayong araw, ika-14 ng Hulyo ang pagkilala sa ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—•๐˜‚๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜…๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฒ๐—ฟ๐˜€.
Kaisa sa matagumpay na implementasyon ng programang ito ay ang Tanauan Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni Ms, Marilou Blaza at Tanauan City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernando Manzanero na katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng โ€œEase of Doing Businessโ€ sa Lungsod sa pamamagitan ng moderno at computerized tax collection.
Kabilang sa mga pinarangalan para sa 2024 Top 10 Real Property Taxpayers ay ang:
1. Philip Morris Manufacturing, Inc.
2. Nestlรฉ Philippines, Inc
3. Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc.
4. Brother Industries (Philippines), Inc. (BIPI)
5. Honda Philippines, Inc. (HPI)
7. First Philippine Industrial Park
7. Canon Business Machine (Philippines) Inc.
8. Shimano (Philippines) Inc.
9. WCL Ventures Development, Inc.
10. First Industrial Township, Inc.
Samantala, ang mga sumusunod ay kinilala bilang 2024 Top 10 Business Taxpayers:
1. Honda Philippines, Inc.
2. PMFTC Inc.- Darasa
3. PMFTC Inc.
4. First Philec, Inc.
5. Taikisha Philippines Inc.
6. Nestle Philippines Inc.
7. Kerry Manufacturing (Philippines), Inc.
8. Healthway Daniel O. Mercado Medical Center Inc.
9. Hitachi Astemo Philippines Corporation
10. Uni-President (Philippines) Corporation
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang binigyang-diin ang natatanging kontribusyon ng pribadong sektor tungo sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at oportunidad para sa mga Tanaueรฑo. Aniya, mula sa inisyatibong gasing business-friendly city ang Tanauan, kaniyang hinikayat din ang bawat negosyante sa lungsod na makiisa upang mas mapalawak pa ang kolaborasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa pamamagitan ng mga Corporate Social Responsibility (CSR) Programs na nagtataguyod sa pag-unlad ng ibaโ€™t ibang industriya at lokal na ekonomiya ng Lungsod.
Kaugnay nito, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa hangarin nitong maging isang huwarang lungsod na kinikilala ang mahalagang papel ng mga tapat na pagbabayad ng buwis at maayos na pamamahalang pananalapi ng lungsod tungo sa pagtataguyod ng isang inklusibo at maunlad na Tanauan.