All geared-up na ang ating mga Tanaueño Athletes na lalaban sa 2025 Little League Asia-Pacific Tournament matapos personal na ipaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes ang kanilang sapatos, uniporme, sports equipment at cash incentives katuwang sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, COUNCILOR CZYLENE T. MARQUESES, Tanauan City Sports Development Office sa pamumuno ni Mr. Max Andrew Mercado at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernando Manzanero.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang mga kabataang atleta para sa dedikasyon at talentong inaaalay nito para sa larangan ng Baseball at sa patuloy nitong pagbibigay-karangalan para sa Lungsod ng Tanauan. Aniya, patuloy ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng angkop na programa at proyekto upang mas mapalakas pa ang sports sa Lungsod.
Kaugnay nito, ang nasabing koponan ay kasalukuyang naghahanda na para sa kanilang laban sa Guam kung saan sila ang kinatawan ng Pilipinas para sa kategorya ng Senior Baseball League.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, pabaon namin ang taos pusong suporta at pagmamahal ng Lungsod ng Tanauan! Good luck and bring home the trophy for the country!