Matagumpay na pagbubukas ng School Year 2025-2026 at mga dagdag-programang edukasyon, tinalakay sa 2025 5th Tanauan Local School Board

Matagumpay na pagbubukas ng School Year 2025-2026 at mga dagdag-programang edukasyon, tinalakay sa 2025 5th Tanauan Local School Board
Malugod na ibinahagi sa 2025 5th Tanauan Local School Board sa pangunguna ni Co-chair DepEd Tayo – DepEd Tanauan City SDS Dr. Nicolas Burgos ang matagumpay na Brigada Eskwela at muling pagbubukas ng klase sa Lungsod ng Tanauan.
Kaugnay nito, tagumpay rin ang pamamahagi ng school bags at supplies sa mga mag-aaral, habang inaayos na rin ang schedule para sa pamamahagi ng flexi uniforms sa mga mag-aaral at karagdagang upuan, mesa at glassboards para sa mga guro at paaralan.
Bukod rito, sa pangunguna ni LSB Chair Mayor Sonny Perez Collantes katuwang sina COUNCILOR CZYLENE T. MARQUESES at SK Ephraigme Bilog, kasalukuyang pinag-aaralan na rin ng LSB ang pagpapatayo pa ng mga karagdagang school building upang masigurong may sapat na classroom sa bawat pampublikong paaralan sa Lungsod.
Habang pinaghahandaan na rin ng pamunuan ng DepEd Tanauan City ang pagdiriwang ng World Teacher’s Day sa darating na Oktubre.