TINGNAN | Mula sa inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao, TCWCC President Atty Cristine Collantes at Sangguniang Panlungsod, kasalukuyang isinasagawa ngayong araw, ika-16 ng Hulyo ang Blood Donation Drive katuwang ang Tanauan City Health Office, HRMDO Tanauan City at ang Healthway Daniel O. Mercado Medical Center.
Layon nitong makapaghatid ng sapat na supply ng dugo sa Lungsod ng Tanauan para sa ating mga kababayan.
Kaugnay nito, bukas ang Blood Donation Drive para sa lahat ng kawani ng Pamahalaang Lungsod hanggang 2:00 ng hapon lamang na matatagpuan sa harap ng City Health Office, New Tanauan City Hall Building.