Masayang Kamustahan kasama ang mga masisipag na kawani ng TMO, CSU at Taskforce Clearing!
Sa Lungsod ng Tanauan, palaging kinokonsulta ni Mayor Sonny ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod. Isang hakbang bilang pakikinig, pakikipag-usap at kamustahan para mapaghusay ang implementesyon at programa ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng ating mga masisipag na empleyado.
Kaya naman, kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Vice Mayor Dodong Dodong Panganiban Ablao, Konsehal Rene Eboy Pia Alcantara, Konsehal Macky Leus Gonzales at Konsehal Lilibeth Beth Marudo Arcega kinausap ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga kawani mula sa TMO, CSU at Taskforce Clearing para ipaalam ang mga karagdagang benepisyo at kaukulang suporta para sa kanila.
Hinikayat din ni Mayor Sonny na palaging mahalin ang sinumpaang tungkulin upang buong husay na paglingkuran ang Mahal nating Lungsod ng Tanauan. Nagpaabot din ng Bigas ang Pamahalaang Lungsod bilang sukli sa kanilang dedikasyon at sipag sa kanilang trabaho.
Present at dumalo rito ang mga Hepe ng mga nasabing Tanggapan na sina TMO OIC Cesar De leon, CSU OIC Froilan Montemayor at Taskforce Clearing Head Mr. Edilberto Catala.