Civil Wedding pinasinayaan ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes

Matagumpay at masayang pinasinayaan ni Tanauan City Mayor Sonny Perez Collantes ang pag-iisang dibdib ng apat na pares ngayong Huwebes, ika-23 ng Pebrero katuwang ang Local Civil Registry Office sa pamumuno ni Mr. Dante de Sagun.
Ang mga pares ay sila:
• Francis Louie Ayon at Norieth Opena ng Brgy. Pantay Matanda
• Jemar Omotong at Ana May Petalvero ng Brgy. Banjo West
• Lemuel Benosa at Mary Jane Vargas ng Brgy. Janopol Oriental
• Josep Cornelius Napil ay Honeyleth Paredes ng Lungsod ng Sto. Tomas
Sa ating mga bagong kasal, nawa’y mahalin, igalang at magkasama ninyong balikatin ang buhay sa piling ng isa’t isa!❤ Hangad namin ang tagumpay ng inyong buhay mag-asawa!
Sa ngalan ng mga bumubuo ng Pamahalaan ng Lungsod Tanauan, Congratulations at Best Wishes sa inyong lahat!