Binisita rin ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty Cristine Collantes ang mga kababaihan ng Laurel para sa isang 𝗚𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘀𝘂𝗹𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗶𝗮𝗹𝗼𝗴𝘂𝗲 katuwang ang Gad Tanauan sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Kaugnay rito, naisagawa rin ang SWOT Analysis sa pamamagitan ng paggabay ng GAD Tanauan upang malaman ang kasalukuyang estado ng kababaihan at angkop na hanapbuhay sa nasabing barangay katuwang ang Sangguniang Barangay ng Laurel sa pamumuno ni Kap. Francis Magpantay.
Batay ito sa Executive Order No. 11 s, 2022 na inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes upang bigyang-kaalaman ang mga kababaihan patungkol sa mga malawakang implementasyon GAD-related laws at mga programa para sa kanilang sektor.
Malugod na ibinahagi at idinulog ng ating mga kababaihan kay Atty. Cristine ang kanilang gustong maging pangunahing kabuhayan sa kanilang komunidad katulad na pag-aalaga ng sisiw at pagtatanim ng Dwarf Coconut.