𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐨, 𝐒𝐞𝐧𝐚𝐭𝐨𝐫 Bong Go 𝐬𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨!
Punung-puno ng biyaya ang natanggap ng Tanaueño ngayong araw matapos bumisita si Sen. Bong Go para personal na ipaabot kina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at buong Sangguniang Panlungsod ang bagong ambulansya, grocery packs, DOLE TUPAD para sa Lungsod ng Tanauan.
Kaugnay rito, inaasahang magagamit na ng ating Tanauan City Health ang Type 1 ambulance and equipment nito para sa mga emergency responses na kinakailangan ng ating mga kababayan.
Habang sa patuloy na pakikipagtulungan nina Mayor Sonny at Congw. Maitet Collantes, tagumpay ring naihatid ang programang DOLE TUPAD kung saan binigyan ng pansamantalang trabaho ang 500 mga Tanaueño at magiging katuwang ng lokal na pamahalaan sa paglilinis ng kanilang mga barangay.
Bukod rito nakiisa rin sa pamamahagi ng iba pang kagamitan ang actor na si Philip Salvador kung saan naghatid ito ng sports equipments, sapatos at bike para sa mga benepisyaryo.
Sa kabilang banda, nakibahagi rin sa nasabing programa sina Vice Governor MARK LEVISTE, Alitagtag Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos, Tanauan City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao, mga kinatawan mula Department of Labor and Employment – DOLE at Department of Health (Philippines) sa pangunguna nina Health Facility Enhancement Program Unit Head Engr. Ronald Doroteo at DOH Region IV-A Center for Health Development. Dr. Monica Jennifer Victorino.