JAWASCO 13th Annual General Assembly Pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan

Pinangunahan nina Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang Ccldo Tanauan ang ika-13 General Assembly ng Janopol Water Service Cooperative nitong linggo, ika-03 ng Marso.

Sa mensahe ni Mayor Sonny, taos pusong nagpasalamat ito sa pamunuan ng JAWASCO sa paghahatid nito ng malinis at ligtas na patubig sa mga kababayan natin mula Janopol Oriental at Occidental.

Isa ang JAWASCO sa locally-assisted cooperative na tinutulungan ng lokal na pamahalaan upang matulungang mapaunlad ang bawat kooperatiba sa pamamagitan ng mga consultative trainings, seminars at iba pang pangangailangan.