Tagumpay na isinagawa ngayong araw ang KALIPI Blood Letting Program sa Gymnasium 1, Tanauan City, Batangas na inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Kalipunan ng Liping Pilipina o KALIPI.
Ang naturang aktibidad ay nilahukan ng mga miyembro ng nasabing organisasyon mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa sektor ng kalusugan.
Ang naturang programa ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa ating City Social Welfare and Development Office (CSWD), City Health Office, at ng Healthway DMMC na nagsilbing katuwang sa blood donation activity.
Layunin nito ay hindi lamang upang makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo, kundi upang palaganapin din ang kamalayan ng komunidad ukol sa kahalagahan ng regular na pagdo-donate ng dugo.
Ang matagumpay na blood letting program ay patunay ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, mga organisasyon ng kababaihan, at mga ahensyang pangkalusugan para sa isang mas ligtas at malusog na na Lungsod ng Tanauan.