Matapos ang limang taon, muling ibinalik ni Mayor Sonny Perez Collantes ang pinaka-inaabangang tagisan ng husay at natatanging ganda ng ating mga Tanaueña sa ginanap na Grand Coronation Night ng Binibining Tanauan 2024 kasama sina Congw. Maitet Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sa pagtatapos, hinirang bilang Binibining Tanauan 2024 si Ms. Princess Dianne Ramos mula sa Barangay Ambulong. Habang 1st Runner up si Ms. Aila G. Mutia ng Brgy. Maugat, 2nd Runner up naman si Ms. Yana Ysabel Maranan ng Brgy. Suplang, 3rd Runner si Ms. Chelsey Isabele Therese ng Poblacion V at Ms. Thrisia Vien Losa ng Poblacion 6 bilang 4th Runner Up.