𝐃𝐎𝐋𝐄 𝐓𝐔𝐏𝐀𝐃 𝐏𝐚𝐲𝐨𝐮𝐭 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐞ñ𝐨, 𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐩𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐧𝐚𝐮𝐚𝐧 𝐋𝐆𝐔 𝐚𝐭 𝐧𝐢 𝐂𝐨𝐧𝐠𝐰. 𝐌𝐚𝐢𝐭𝐞𝐭 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐚𝐧𝐭𝐞𝐬
Umabot sa higit 1,000 mga Batangueño ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na inihatid ng Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ng Department of Labor and Employment – DOLE, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna nina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes na kinatawanan ni City Administrator Mr. Wilfredo Dodong Ablao.
Sa pamamagitan ng programang ito ay nabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang ating mga kababayang nawalan ng pagkakakitaan dulot ng pandemya. Sila rin ay kabahagi ng lokal na pamahalaan upang mapanatiling malinis ang kapaligiran ng ating Lungsod.
Para makasali sa programang TUPAD, makipag-ugnayan lamang sa Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes at sa mga barangay coordinators sa inyong mga bayan.