ocal AICS para sa mga Tanaueño at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, muling inihatid ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Mula sa regular na implementasyon ng Local AICS sa Lungsod, mas dumami pa ang mga Tanaueñong natulungan ni Mayor Sonny Perez Collantes sa aspeto ng medical, mortuary at hospitalization assistance katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Iea Joy Lira at City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernando Manzanero.
Kaisa rin sa programang ito sina COUNCILOR CZYLENE T. MARQUESES at Councilor-elect Lilibeth Arcega na katuwang ni Mayor Sonny sa paghahatid ng serbisyong publiko para sa mga Tanaueño.
Habang alinsunod sa paghahatid ng iba’t ibang benepisyo para sa mga senior citizens, nagpaabot din ng cash incentives ang Tanauan LGU para sa mga Tanaueñong edad 85 pataas.
Samantala, sa mga nais mag-apply sa Local AICS ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, maaaring magtungo sa Tanggapan ng Tanauan CSWD tuwing Huwebes, 8:00 am hanggang 5:00 pm.