PABATID | LIBRENG FAMILY PLANNING SA PAMILYANG TANAUEÑO!

Alinsunod sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes katuwang ang Tanauan City Health na paigtingin ang reproductive health at family planning sa Lungsod, magsasagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng Ligation at Vasectomy.

Ito ay bukas para sa mga sumusunod:
• Mga lalaki at babaeng edad 35 pataas basta’t kusang loob na makikibahagi.
• May asawa o may anak na
• Handa na sa permanenteng paraan ng family planning

Sa lahat ng interesado, dalhin lamang ang Valid ID o Voter’s Certification at magpunta sa Tanauan City health Office na matatagpuan sa Mega Health Center para sa health screening, counseling at registration ngayon araw, ika-24 ng Hunyo hanggang ika-25 ng Hunyo.

Para sa iba pang detalye tungkol sa family planning, mag-send lang ng private message sa official Facebook page ng PopDev Tanauan https://www.facebook.com/share/16umZKAdm9/?mibextid=wwXIfr