Tanauan City Sports Complex, 70% complete na!

Tanauan City Sports Complex, 70% complete na!
Hands-on sa progreso ng ipinatatayong Tanauan City Sports Complex ang ating Mayor Sonny Perez Collantes kasama si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes kung saan kanilang pinulong ang City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Roberto Vergara upang alamin ang kasalukuyang estado nito, partikular na ang isinasagawang finishing touches ng naturang pagawaing bayan.
Kaugnay rito, kabilang din sa ibinahaging update ng City Engineering Office ay ang flooring design para sa main lobby, restroom at lounges ng Sports Complex. Kabilang din sa kanilang iprinesenta ay ang mock up flooring structure ng basketball court nito.
Sa kasalukuyan, nasa 70% completion na ang Phase 1 ng ating Tanauan City Sports Complex at sinisimulan na rin ang Annex nito. Layon nitong makapag-accommodate ng 3,500 na katao para sa iba’t ibang sports at aktibidad ng Lungsod ng Tanauan.