Sa patuloy na pagtupad sa adhikaing “Walang Maiiwang Tanaueño”, muling tiniyak nina Mayor Sonny Perez Collantes, Vice Mayor Dodong Panganiban Ablao at TCWCC President Atty Cristine Collantes ang matibay na pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development – DSWD katuwang si Cong. Atty. King Collantes upang mapabilis ang paghahatid ng tulong pinansyal sa bawat pamilyang Tanaueño sa pamamagitan ng DSWD AICS.
Sa pamamagitan ng programang ito, nadagdagan pa ang bilang ng mga kababayang natulungan para sa kanilang hospitalization, medical, at mortuary assistance.
Kaugnay nito, naging posible rin ang paghahatid ng serbisyong ito sa tulong ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod kasama sina Kon. Rene Eboy Pia Alcantara, Kon. Macky Leus Gonzales at Councilor Lilibeth Beth Marudo Arcega at ng Tanauan Local Social Welfare and Development sa pamumuno ni Ms. Iea Lira upang maipaabot ang pangunahing pangangailangan ng bawat Tanaueño.